Pagtaas ng rating ni Speaker Romualdez lalong nagpa-alab sa pagnanais ng Kamara na mapababa presyo, maparami suplay ng pagkain—Enverga
Ang mataas na trust at satisfaction rating na nakuha ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa survey ay lalo umanong nagpa-alab sa pagnanais ng Kamara de Representantes na mapababa ang presyo ng bilihin at maparami ang suplay ng pagkain sa bansa.
Ito ang sinabi ni Quezon 1st District Rep. Mark Enverga matapos na tumaas ng rating ni Speaker Romualdez sa survey ng OCTA Research na isinagawa mula Setyembre 30 hanggang Oktobre 4.
“The substantial increase in trust and approval ratings for Speaker Romualdez serves as a resounding testament to his effective leadership. It reinforces our commitment within the House of Representatives to remain vigilant in our role, especially when it comes to ensuring the stability of prices for essential commodities, with a particular focus on staples like rice and other vital agricultural products,” ani Enverga, Chairman ng House Committee on Agriculture and Food.
Ayon sa survey nakapagtala si Speaker Romualdez ng 60 porsyentong trust rating na malaki ang iniangat kumpara sa 38 porsyento na kanyang naitala noong 2022.
Kumpara sa nakuha na 54 porsyento sa survey noong Hulyo 2023, si Speaker Romualdez ay nakapagtala ng 60 porsyento sa pinakahuling survey ng OCTA.
Ang performance rating ni Speaker Romualdez ay tumaas naman sa 61 porsyento mula sa 55 porsyento noong Hulyo. Noong 2020 hanggang 2022 ang satisfaction rating ni Speaker Romualdez ay nasa 44 porsyento lamang.
Sinabi ni Enverga na ang nakuhang rating ng lider ng Kamara ay nagsisilbing inspirasyon upang mas maging masigasig sa pagtatrabaho at tulungan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na matugunan ang mga isyu ng pagtaas ng presyo ng bilihin at pagtiyak na mayroong sapat na suplay ng pagkain sa bansa.
“We are committed to the pursuit of measures that will guarantee the affordability and accessibility of basic goods for every Filipino, while concurrently addressing the challenges that confront our agricultural sector,” sabi ni Enverga.
Sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez ay inimbestigahan ng komite ni Enverga ang iba’t ibang isyu sa sektor ng agrikultura gaya ng mataas na presyo ng sibuyas, asukal, bigas at iba pang produktong petrolyo.
Pinangunahan din ni Speaker Romualdez, sa tulong ng Bureau of Customs, ang inspeksyon sa mga warehouse upang mahanap ang mga negosyanteng nagsasamantala kaya tumataas ang presyo ng bigas.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home