Friday, November 24, 2023

MATATAG NA UGNAYAN SA APPF31, PINAIGTING 

NINA SPEAKER ROMUALDEZ AT SP ZUBIRI


Pormal na nagsimula ngayong Huwebes ang 31st Asia-Pacific Parliamentary Forum (APPF) sa Philippine International Convention Center (PICC). Mahigit na 250 delegado mula sa 19 na miyembrong bansa ang dumalo 31st APPF, na may temang “Resilient Partnerships for Peace, Prosperity, and Sustainability,” at may layuning “shared solutions to shared concerns.” Ang mga alalahaning ito ay  nakatuon sa usaping politika at seguridad, ekonomiya at kalakalan, kooperasyon sa rehiyon, hakbang sa klima, pandaigdigang krimen, pandaigdigang pangangalaga ng kalusugan, at kritikal na imprastraktura. 

Hinimok ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kanyang mga kapwa parliamentarians na gamitin ang APPF31 bilang plataporma para sa pakikipagdayalogo, at pagpapalitan ng pinakamabuting kasanayan, “Let us coordinate our policies and efforts at the regional level, which requires no less that efforts in sharing of data, technologies, as well as financial resources.” Hiniling rin ni Speaker Romualdez ang suporta ng iba pang miyembrong bansa ng APPF sa hangarin ng bansa na  maging non-permanent na miyembro ng United Nations Security Council sa taong 2027 hanggang 2028. Ipinahayag niya na nakatuon ang APPF31 sa paghahanap ng maayos na paraan at panatilihin ang bukas na komunikasyon sa mga kasaping bansa. Binanggit ni Senate President Juan Miguel Zubiri na ang mga miyembrong bansa ay nasumite na ng mga panukalang resolusyon na isasama sa Joint Communiqué, na masusing tatalakayin sa mga working group meetings at mga sesyon sa plenaryo. Binigyang diin niya na ang Joint Communiqué, na ipapalabas sa pagtatapos ng Forum, ay maglalaman ng pagkakasundo ng mga miyembrong bansa. Tiniyak niya na ang lahat sa Pilipinas ay handang bumuo ng matatag na ugnayan tungo sa nagkakaisang paglago sa rehiyon. Ang mga dumalo sa pulong balitaan ay sina Senior Deputy Speaker Aurelio "Dong" Gonzales Jr., Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza, Baguio City Rep. Mark Go, at House Secretary General Reginald Velasco. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home