Wednesday, November 22, 2023

Inaasahang bibilis pa ang biyahe ng mga motorista na patungo ng Ilocos Norte.


Ito'y sa sandaling makumpleto ang extension project ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway o TPLEX.


Sa pagdinig ng House Committee on North Luzon Growth Quadrangle, ipinresinta ni DPWH Public-Private Partnership Service Officer-in-charge Director Pelita Galvez proyekto na magsisimula sa bayan ng Rosario sa La Union hanggang Laoag City, Ilocos Norte.


Hahatiin ito sa apat na phases kung saan ang phase 1 ay mula Rosario hanggang San Juan na may habang 59.4 kilometers; San Juan hanggang Candon City sa phase 2; Candon hanggang Vigan sa phase 3 at Vigan City hanggang Laoag sa phase 4.


Sinabi ni Galvez na sa sandaling matapos ay mababawasan ang travel time ng mga biyahero sa apatnapung minuto mula sa kasalukuyang isa't kalahating oras.


Sasailalim sa comparative bidding o Swiss Challenge ang proyekto at ang posting ng advertisements para sa PPP Prequalification ay itinakda sa November 24.


Dagdag pa ng DPWH, target nilang i-award ang proyekto sa winning bidder bago matapos ang Mayo ng susunod na taon ngunit maaaring mas mapaaga kung walang "challenger" sa original proponent. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home