Isa Umali / Nov. 22
Umusad na sa Mababang Kapulungan ang mga panukalang nagsusulong na mapagbuti ang “mental health services” sa ating bansa.
Sa pagdinig ng House Committee on Health, inaprubahan ang consolidation ng iba’t ibang House Bills na may kinalaman sa usapin ng mental health.
Kabilang dito ang pagtatayo ng mental health centers sa bawat lalawigan at rehiyon; pagkakaroon ng mental health consultation desks at hotlines; mas komprehensibong Philhealth coverage para masakop ang lahat ng mental health disorders; pagpapalakas ng hakbang para maiwasan ang suicide sa hanay ng mga kabataan; at marami pang iba.
Ayon kay House Deputy Majority Leader at Mandaluyong City Rep. Neptali Gonzales II, may-akda ng House Bill 429 --- napapanahon nang maisabatas ang mga panukala lalo’t ang mga mental health illness ay nakaka-apekto sa lahat ng “age groups.”
Pero nakalulungkot aniya na dumarami sa hanay ng mga kabataan ang naaapektuhan, dahil sa limitadong suporta at “interventions.”
Batay aniya sa World Health Organization --- 10% ng “children and adolescent” ay nakararanas ng mental health disorder, at mayorya sa kanila ay hindi humihingi ng tulong o hindi nakatatanggap ng tulong at atensyon. Lumabas din na ang suicide ay ika-apat na rason ng kamatayan sa nasa edad 15 hanggang 19.
Habang sa local scene, sinabi ni Gonzales na base sa National Statistics Office --- ang mental health illness ay ikatlo sa “most common form of morbidity” sa hanay ng mga Pilipino.
16% ng mental disorders ay nakaka-apekto sa mga bata. Ngunit ang malungkot, nasa 5 lamang ang ospital ng gobyerno na mayroong “psychiatric facilities” para sa mga kabataan, at 84 general hospitals naman ang may psychiatric units.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home