Friday, November 24, 2023

PAGTATATAG NG AHENSYA PARA SA NUKLEYAR NA ENERHIYA AT IBA PANG MAHAHALAGANG MGA PANUKALANG BATAS, APRUBADO SA HULING PAGBASA NG KAPULUNGAN


Inaprubahan ngayong Miyerkules sa botong  na 200-7 at 2 abstensyon, para sa ikatlo at huling pagbasa ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang House Bill (HB) 9293, na naglalayong itatag ang Philippine Atomic Energy Regulatory Authority (PhilATOM). 


Ang panukalang batas ay nagtatakda ng isang komprehensibong balangkas ng batas para sa ligtas, tiwasay, at mapayapang paggamit ng enerhiyang nukleyar sa Pilipinas. 


Sa ilalim ng panukala, ang PhilATOM ay magkakaroon ng nag iisa at eksklusibong hurisdiksyon, upang magsagawa ng kontrol sa regulasyon sa enerhiyang nukleyar, at mga mapagkukunan ng radiation. 


Kabilang sa mga pangunahing tungkulin nito ay: 1) tulungan ang pamahalaan sa pagbuo ng mga pambansang patakaran at hakbang para sa pagkontrol ng mga aktibidad at pasilidad na nasa regulasyon; 2) repasuhin at suriin ang mga aplikasyon para sa mga awtorisasyon; 3) alamin ang pagsunod sa mga pasilidad at aktibidad sa pamamagitan ng mga inspeksyon at pagtatasa; 4) magpairal ng radiation monitoring center; at 5) magtatag ng emergency response at security support centers. 


Aatasan ang PhilATOM na itaguyod na maging bukas sa pagsasagawa nito ng mga tungkulin at responsibilidad. Kasama sa mga panukala na inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ay ang HB 9153 o ang panukalang "Contraband Detection and Control Act" at HB 9320 na magtatatag ng reporma sa regulasyon ng collective bargaining agreement. 


Inaprubahan din ng Kapulungan sa ikatlo at huling pagbasa ang ilang lokal na panukala na nagpapalakas sa mga state universities at colleges, gayundin ang pagpapaunlad ng sektor ng turismo sa bansa. 


Pinangunahan nina Deputy Speakers Antonio "Tonypet" Albano at Yasser Alonto Balindong ang sesyon ng plenaryo ngayong Miyerkules. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home