Kamara umaasa na walang i-bi-veto si PBBM sa panukalang 2024 GAB…
…
Kampante ang Kamara na papasa ng buo ang mga probisyon ng 2024 General Appropriations Bill.
Sagot ito ni AKO Bicol Partylist Representative Zaldy Co sa posibilidad na baka may mga probisyon ng 2024 GAB ang ibi-veto ni Pangulong Bongbong Marcos sa sandaling lagdaan na ang pambansang budget.
Ayon kay Co, Chairman ng House Appropriations Committee, hindi nila inaasahan na may mga items sa 2024 national budget ang ibi-veto ni Pangulong Marcos.
Sabi ni Co, sumunod ang Kamara sa parameters at masusi ang ginawa nilang koordinasyon sa Senado at Malakanyang sa paghimay sa pambansang budget.
naipadala na sa Malakanyang para malagdaan ni Pangulong Marcos ang 2024 GAB na nagkakahalaga ng P5.768 trillion pesos.
Una rito, sinabi ni Co, request ng Malakanyang na mai-transmit sana sa Palasyo ang 2024 GAB bago umalis patungong Japan si Pangulong Marcos.
Paliwanag ni Co, hindi kakayanin dahil maraming pahina at kopya ang ini-imprenta.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home