Nagpahayag ng suporta si House Speaker Martin Romualdez sa paninindigan ni Pangulong Bongbong Marcos na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng matatag na alyansa sa mga bansa upang mapanatili ang kapayapaan at stability sa West Philippine Sea.
Sa harap ito ng pag-uusap ng Pilipinas at Japan ukol sa reciprocal access agreement para sa deployment ng puwersa ng militar na isang kritikal na hakbang ngayong tumitindi ang tensyon sa rehiyon.
Ayon kay Romualdez, ang pagtutulungan ng dalawang bansa at ang pakikipag-alyansa sa ibang nasyon ay mahalaga para sa pagtugon sa lumalaking hamon.
Napatunayan na aniya na ang kasalukuyang geopolitical climate partikular ang agresibong hakbang ng China sa WPS ay nangangailangan ng cooperative solutions.
Iginiit din ng House leader na kailangang mapanatili ang dayalogo at mapayapang negosasyon sa lahat ng kalahok na panig.
Bagama't itinataguyod ng bansa ang commitment sa pagtatanggol sa pambansang interes at pagtataguyod ng soberanya, marapat umanong pagsumikapan ang diplomasya at peaceful engagements.
Dagdag pa ni Romualdez, ang 2016 Arbitral Ruling ng Permanent Court of Arbitration ay magsisilbing basehan ng mga hakbang at paninindigan ng Pilipinas bilang panata ng pagtalima sa international law and order.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home