Friday, December 15, 2023

SUBSTITUTE BILL NA NAGSUSULONG NG PAGLAGO NG PANLIPUNANG NEGOSYO, INAPRUBAHAN NG KOMITE

 

Inaprubahan ngayong Miyerkules ng Komite ng Micro, Small and Medium Enterprise (MSME) Development sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Misamis Oriental Rep. Christian Unabia, ang inamyendahang unnumbered substitute bill sa mga panukala na nagtataguyod ng paglago at pag-unlad ng mga negosyong panlipunan, upang maibsan ang kahirapan. 


Pinalitan ng substitute bill, na may titulong "Poverty Reduction through Social Entrepreneurship (PRESENT) Act," ang mga House Bills 2112, 4566, 4911, 5554, 6091, 6952 at 8192, na naglalayong mag-alok ng mga programa, tulong pinansyal, mapagkukunan, at mga insentibo sa paglago, pagpapalawak, at pagpapanatili ng mga negosyong panlipunan. 


Ang substitute bill ay resulta ng Technical Working Group (TWG) na nilikha, upang suriin at pagsamahin ang mga panukala na ito, na kung saan ang HB 6091ay nagsisilbing balangkas na panukala. 


Detalyadong tinalakay ni TWG Chairperson at Bukidnon Rep. Jose Manuel Alba ang mga isaping iniharap sa mga pagpupulong ng TWG, upang makabuo ng isang pinagsama-samang panukalang batas. 


Iminungkahi ni ABANG LINGKOD Rep. Joseph Stephen Paduano na magdagdag ng isang probisyon na nag-aatas sa mga lokal na pamayanan (LGUs), na isama ang mga posibleng istratehiya para sa pagpapaunlad ng mga negosyong panlipunan sa kanilang pagpaplano ng lokal na pag-unlad. 


Ipinanukala ni Batangas Rep. Mario Vittorio MariƱo na isama sa substitute bill, ang paglikha ng isang programang pang-iskolar na susuporta sa modernong edukasyon ng mga negosyanteng panlipunan, upang itaguyod ang pagpapanatili nito at pagyamanin ang paglago ng isang mas inklusibo at aktibong sektor ng lipunan. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home