grace Pinapa-imbestigahan ng Makabayan bloc ang umano’y nagpapatuloy na signature drive para sa isinusulong na pag-amyenda sa Konstitusyon.
Nakapaloob ito sa House Resolution 1541 na inihain nina House Deputy Minority leader and ACT Teachers party-list Rep. France Castro, Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas at Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel.
Ayon kay Castro, ang kanilang hakbang ay kasunod ng mga report ukol sa umano’y panloloko sa pagpapapirma para sa pekeng people's initiative daw para sa Charter change.
sabi ni Castro, may mga impormasyon silang nakalap na ang ilan ay pinangakuan umano ng ayuda, at iba naman ay isinabay ang pagpapapirma sa gift giving noong kapasakuhan.
dagdag pa ni Castro, anumang tanggi ng mga nagsusulong ng Cha-cha ay hindi masisisi ang ating mga kababayan na isipin na maaaring pondo ng bayan ang ginamit dito.
kaugnay nito ay muling iginiit ni Castro na hindi konstitusyon ang may kasalanan sa bumubulusok na economic status ng bansa kundi ang neoliberal na polisiya ng kasalukuyan at mga nagdaang administrasyon.
#######
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home