Friday, January 12, 2024

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na si Deputy Speaker Ralph Recto ang karapat-dapat na kandidato sa posisyon bilang kalihim ng Department of Finance.


Sa isang pahayag, nagpaabot ng pagbati si Romualdez kay Recto na nakatakdang manumpa bilang bagong Finance Secretary kasabay ng pagbibigay-diin na malawak ang kanyang kaalaman sa usaping pang-ekonomiya.


Paliwanag ng House leader, sa naging karera ni Recto ay nagpamalas ito ng mahusay na liderato lalo na sa fiscal policies.


Bilang dating chairperson ng Senate Committee on Ways and Means, naging mahalaga aniya ang papel ni Recto sa pagsusulong ng mga batas na malaki ang epekto sa economic landscape ng Pilipinas.


Bukod sa legislative accomplishments, idinagdag ni Romualdez na ang panunungkulan ni Recto bilang Socioeconomic Planning Secretary at Director-General ng NEDA ay sumasalamin sa kanyang competence at commitment sa pagbuo ng mga stratehiya para sa tuluy-tuloy na kaunlaran.


Patunay din umano ang pagkakatalaga sa kanya bilang isa sa Deputy Speakers ng 19th Congress sa kinikilalang kakayahan na mamuno at pag-intindi sa kapakanan ng taumbayan.


Kumpiyansa naman si Romualdez na magkakaroon ng maraming kontribusyon ang karanasan, economic principles at mga plano ni Recto bilang visionary economist tungo sa pagtataguyod ng inclusive at maunlad na bansa sa ilalim ng administrasyong Marcos. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home