Monday, January 15, 2024

SALCEDA: KULANG SA SUSTANSIYA SA PAGSUSULONG NG DEMOKRASYA ANG 1987 CONSTITUTION

Naniniwala si House Ways and Means Committee Chairman at Albay Representative Joey Salceda na kulang sa sustansya sa pagsusulong ng demokrasya ang 1987 Constitution.


Ayon kay Salceda, isinara ng umiiral na Saligang Batas ang oportunidad at pantay na kasaganaan para sa taumbayan.


Punto nito, sa restrictive provisions ng Konstitusyon ay bawal ang mga dayuhan na pumasok sa agrikultura, media, large scale mineral at oil explorations, edukasyon at advertising.


Dahil dito, pinayaman at ginawa umanong makapangyarihan sa labor, consumers at government sector ang mga elitista sa ekonomiya matapos ang EDSA People Power Revolution.


Sa katunayan, ipinaliwanag ni Salceda na ang Pilipinas ang may pinakamataas na income inequality o di pantay-pantay na kita mula sa mga kapitbahay na bansa sa ASEAN at bumagsak sa huling puwesto bilang investment destination, tourist destination at balance of trade sa "ASEAN 6".


Dagdag pa ng kongresista, matagal na dapat isinulong ang constitutional reforms ngunit lahat ng pagtatangka na amiyendahan ang Konstitusyon ay naglalaho lang pagdating sa Senado.


Tuluyan na umanong magsasara ang oportunidad matapos ang 2025 midterm elections kaya ngayon pa lang ay napapanahon na para ito ay isakatuparan. hajji wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home