Wednesday, January 31, 2024

rpp Speaker Romualdez iginiit kahalagahan na maging mabuting ehemplo sa mga kabataan



Iginiit ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kahalagahan na maging mabuting ehemplo sa mga kabataan.


Ginawa ni Speaker Romualdez ang pahayag matapos gamitin ni Sen. Imee Marcos ang katagang "Walang gamot sa kakapalan ng mukha mo" sa pagdinig ng Senado noong Martes.


“In response to the recent comments made by Senator Imee Marcos, I would like to address this matter with the utmost respect and civility that it deserves,” ani Speaker Romualdez.


Sinabi ni Speaker Romualdez na hindi maiiwasan na magkaroon ng magkakaibang opinyon subalit ang mahalaga ay ang pagkakaroon ng constructive dialogue at paggalang sa isa’t isa.


“The phrase "Walang gamot sa kakapalan ng mukha mo", as expressed by Senator Marcos, reflects a passionate stance on issues we both care deeply about. As public servants, our primary focus should always be on the welfare of our constituents and the progress of our nation. It is in this light that I choose to interpret her words as a call to engage more deeply in our shared commitment to serve the Filipino people,” sabi ni Speaker Romualdez.


“Ang pakiusap ko lang kay Senator Imee. Hindi po kailangan ng bastusan. Pinakikinggan tayo ng mga kabataan at hindi magandang ehemplo ang ganito,” dagdag pa nito.


Sa diwa ng pagkakaisa at kooperasyon, sinabi ni Speaker Romualdez na handa itong makipag-usap kay Marcos upang matugunan ang kanyang mga alalahanin at makapagtulungan para sa kabutihan ng bansa.


“Our nation faces many challenges, and it is more crucial than ever that we, as leaders, set an example of respect, understanding, and cooperation. I am committed to maintaining a professional relationship with all my colleagues in the government, including Senator Marcos, as we work towards our common goal of a prosperous and inclusive Philippines,” sabi ni Romualdez.


“Tapusin na po natin ang bangayan. Mag-trabaho na lamang po tayo. Para na rin sa kapakanan ng mga kapwa natin Pilipino,” dagdag pa ng lider ng Kamara na may mahigit 300 miyembro. (END) wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home