BRIEFING HINGGIL SA MGA CYBER-ATTACK ISASAGAWA SA KAMARA
isa Magsasagawa na ang Kamara ng “briefing” kaugnay sa napaulat na “cyber-attacks” sa mga digital domain ng ating gobyerno mamayang ala una ng hapon.
Kinumpirma ito ni Navotas Rep. Toby Tiangco, chairman ng House Committee on Information and Communications Technology.
Sinabi ni Tiangco na katuwang ng kanyang komite ang House Committee on Public Information sa joint briefing, kung saan inimbitahan ang Department of Information and Communications Technology o DICT, iba pang kaulangang ahensya ng pamahalaan, at resource persons mula sa pribadong sektor.
Ayon kay Tiangco, napaka-laking banta sa seguridad ng ating bansa at bawat Pilipino ang mga cyber-attack.
Kaya naman hindi dapat mag-aksaya ng panahon, at mahalagang talakayin ang naturang usapin upang makapaglatag din ng mga hakbang o lehislasyon laban sa cyber-attacks.
Una nang nanawagan si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng briefing para magpaliwanag ang DICT at iba pang ahensya ukol sa mga pag-atake o tangkang pag-hack sa mga website ng gobyerno, dahil ito ay banta sa seguridad at pampublikong interes.
Sa naging pahayag naman ni House Secretary General Reginald Velasco, kanyang sinabi na “milyon” ang tangkang pag-atake sa website pati data ng Kamara.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home