isa Napapanahon nang paramihin ang cyber security specialists at pondohan ang mga cyber security infrastructure sa Pilipinas.
Ito ang sinabi ni House Committee Civil Service and Professional Regulation chairperson Kristine Alexie Tutor, sa gitna ng serye ng tangkang pag-atake sa websites ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, at kahit sa pribadong sektor.
Aniya, nasa dalawang daan (200) na tao lamang ang sertipikadong cyber security experts sa buong Pilipinas, habang kapos na kapos pa ang IT infrastructure.
Mungkahi ni Tutor para maparami ang cyber security specialists, magkaroon ng targeted training at certification program na “subsidized” ng pamahalaan, at humingi ng tulong sa mga unibersidad, Commission on Higher Education o CHED at TESDA.
Ang ilan sa kasalukyang 200 na certified cyber security experts ay maaaring kunin para silang mag-train sa mga kasalukuyang estudyante o graduates ng IT, accounting, finance, at criminology degree programs.
Para naman sa kailangang cyber security infrastructure at softwares --- sinabi ni Tutor na uubrang pumasok sa Public-Private Partnerships at foreign technical assistance mula sa Asian Development Bank, Japan International Cooperation Agency, at sa World Bank.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home