milks Inatasan ni House Speaker Martin Romualdez ang Department of Information and Communications Technology na magbigay ng briefing sa Kamara.
Ito ay sa harap ng pinakahuling cyberattacks sa websites ng ilang ahensiya ng gobyerno na umanoy kagagawan ng China-based cybercriminals.
Ayon kay Romualdez, isyu ng national security at public interest ang report ng DICT na napasok ng hackers na pinaniniwalaang nag-o-operate sa China ang email systems at internal websites ng ilang government agencies.
Giit ng House Speaker, ang pag-atake sa ating mga sistema sa internet ay hindi lamang banta sa ating pamahalaan kundi pagnanakaw na rin sa ating sariling tahanan, hindi ito dapat palampasin at kailangan nating labanan.
Inatasan ni Romualdez ang House Committee on Public Information ni Congressman Joboy Aquino at House Committee on Public Information and Technology ni Congressman Toby Tiangco na magpatawag ng hearing.
Gusto ni Romualdez na ang briefing ay sa lalong madaling panahon dahil hindi lamang ito nakakaapekto sa integridad ng digital infrastructure ng gobyerno kundi ang “safety and privacy” ng ating mga mamamayan.
RHTV: add file mats (Romualdez, DICT etc. thanks)
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home