hajji Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez ang mga magsasaka kasunod ng pagtaas ng produksyon ng bigas sa 20 million metric tons noong nakaraang taon.
Ayon kay Romualdez, ang pagsusumikap ng mga magsasaka ang naghatid ng solusyon sa kakulangan ng suplay ng bigas sa bansa.
Ipinunto ng House leader na ang 1.5 percent na pagtaas ng rice production kumpara noong 2022 ay nagdulot ng mas malaking combined value ng agriculture at fisheries sectors na naitala sa 1.763 trillion pesos noong 2023.
Binanggit din nito na malaki ang kontribusyon ng commitment ng gobyerno sa pagkakaloob ng dekalidad na seedlings at fertilizers.
Bukod pa rito ang umano’y dedikasyon nina Pangulong Bongbong Marcos at Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na palakasin ang modernisasyon ng agrikultura at paigtingin ang food production sa harap ng banta ng El Niño.
Dagdag pa ni Romualdez, patunay ito ng pagsibol ng pag-asang maresolba ang rice shortage na kinaharap noong nakaraang taon.
Una nang tiniyak ni Romualdez na itataguyod ng Kamara ang consistent, stable at abot-kayang suplay ng pangunahing bilihin para sa mga Pilipino.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home