Sunday, February 11, 2024

rye Muslim solon hinimok sina Duterte, Alvarez na tigilan na unconstitutional na paghiwalay ng Mindanao sa PH



Isa pang lider mula sa Mindanao ang nanawagan kina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at dating Speaker Pantaleon Alvarez na tigilan na ang kanilang pagnanais na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.


Ang pahayag ni Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong, miyembro ng House Committees on Mindanao Affairs and on Muslim Affairs, ay katulad ng pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.


"This attempt to separate Mindanao from the Philippines is not only unconstitutional but also a blatant disrespect to our duly constituted authority. We cannot allow the integrity of our nation to be compromised by such reckless actions,” ani Adiong.


Ayon kay Adiong hindi dapat muling isadlak sa panibagong hidwaan ang Mindanao na halos hindi pa gumagaling mula sa sugat ng nakaraang mga karanasan nito.


Nanawagan si Adiong na irespeto ang Konstitusyon at ang demokratikong proseso na siyang humubog sa bansa.


Iginiit ni Adiong, miyembro ng House Committee on National Defense and Security, na ang paghiwalay sa Mindanao ay taliwas sa nakasaad sa Konstitusyon.


“President Marcos has unequivocally stated that such an undertaking is unconstitutional, and as a nation, we must honor and respect his position as the duly elected leader,” dagdag pa nito.


Iginiit din ni Adiong na malayo na ang narating ng prosesong pangkapayapaan na ginawa ng gobyerno sa Mindanao.


Ipinunto rin ng mambabatas na makalipas ang dekada ng madugong kaguluhan, inihinto na rin ng MNLF at MILF ang kanilang rebolusyonarong kilusan at sumali sa hakbang upang magkaisa ang Pilipinas.


Ayon kay Adiong ang Mindanao, ang ikalawang pinakamalaking isla sa bansa ay bahagi ng Pilipinas kasama ang mayamang kultura at populasyon nito na nakatutulong ng malaki sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino.


Ipinunto ni Adiong na ang rehiyon ay mayroong mga kinatawan sa gobyerno gaya nina Duterte at Alvarez na kapwa nagmula sa Mindanao, gayundin si Senate President Juan Miguel Zubiri, na isang maimpluwensyang personalidad mula sa rehiyon.


Si dating Senate Minority Leader Aquilino "Koko" Pimentel III, na isa ring Mindanaoan, ay dating Senate President.


“The fact that Mindanaoans have held prominent positions in the highest offices of the land is a testament to their integral role within the Philippine nation," sabi pa ni Adiong. “To entertain notions of secession undermines the unity and stability that our country has worked so hard to maintain.”


Sinabi ni Adiong na nanggaling din sa Mindanao si Vice President Sara Duterte gayundin si dating Vice President Teofisto Guingona Jr., na ipinanganak sa San Juan pero sa Mindanao lumaki.


Ayon pa kay Adiong, si dating Senate President Aquilino  "Nene" Pimentel Jr., na nag-ugat din sa Mindanao at kampeon ng demokrasya at pagkakaisa, ay paala-ala ng kahalagahan ng pagpapanatili ng integridad ng bansa.


"We must honor the vision of our forefathers who fought for a united Philippines,” sabi ni Adiong. “Unity in diversity is not just a slogan but a fundamental principle that binds us together as a nation."


Sinabi ni Adiong, miyembro ng House Committee on Peace, Reconciliation, and Unity, na dapat talikuran na nina Duterte, Alvarez, at kanilang mga suporter ang isinusulong na paghiwalay ng Mindanao at sa halip ay tumulong upang magka-isa ang bansa. (END)


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home