Buo ang suporta ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan sa plano ni bagong Philippine National Police (PNP) chief General Rommel Francisco Marbil na gamitin ang tekonolohiya at social media para mapahusay ang pagtupad ng pulisya sa tungkulin nito.
tiwala si Yamsuan na makakatulong ang social media para mapag-ibayo ang pakikipag-ugnayan ng Pambansang Kapulisan sa publiko.
Para kay Yamsuan, isa itong malaking hakbang para maibalik ang tiwala at kumpyansa ng mamamayan sa PNP.
naniniwala naman si Yamsuan na ang pamumuhunan sa teknolohiya ay makakatulong para mapalakas ang kakayahan ng PNP na mabigyan ng proteksyon ang taumbayan at matugunan ang mga hamon sa pagpapatupad ng batas sa bansa.
ayon kay Yamsan, ang paggamit ng digital tools at modern crime investigation techniques ay daan din para mapa-igting ang transparency ng mga police operations at upang makamit din ng PNP ang suporta ng publiko sa pagsawata ng mga krimen.
pinayuhan naman ni Yamsuan si General Marbil na isailalim ang mga tauhan at opisyal ng PNP sa regular na training at patuloy na edukasyon upang maging mulat sila sa mga bagong batas patungkol sa pagsasagawa ng criminal investigations at maiwasan ang mga ilegal na pag-aresto.
#######
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home