Tuesday, May 07, 2024

Nirerepaso na ng National Food Authority o NFA ang lahat ng kanilang proseso at ginagawa ang mga kinakailangang hakbang para mapuksa o mabawasan ang sinasabing katiwalian sa kanilang tanggapan. 


Ito ang inihayag ni NFA acting administrator Larry Lacson, sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food patungkol sa panukalang amyendahan ang Rice Tariffication Law o RTL. 


Una rito, tinanong ni Nueva Ecija Rep. Mikaela Suansing ang NFA kung ano ang masasabi nila hinggil sa mga agam-agam na maibalik sa kanila ang mandato na makapagbenta ng bigas sa merkado. 


Ayon kay Suansing, kaya ayaw o medyo tagilid sa ilang sektor o mga senador na tanggapin ang RTL amendments ay dahil sa katiwalian sa NFA. 


Tanong ni Suansing, kung maibabalik nga sa NFA ang naturang mandato, papaano matitiyak na may “safeguards” sa gitna ng mga alegasyon ng kurapsyon. 


Inamin ni Lacson na mahirap magbigay ng assurance. Pero nire-review na aniya ang lahat ng mga patakaran para matugunan ang katiwalian. 


Dagdag ni Lacson, hindi kumikilos ang NFA ngayon nang labas sa kanilang trabaho o nang walang approval ng NFA council na mainam para sa “check and balance.” 


Kinumpirma rin ng opisyal na pinalalakas ng NFA ang kanilang internal audit gaya sa hanay ng kanilang mga kawani na nagkakamali upang sa tanggapan pa lamang nila ay naaaksyunan na agad ang isyu. Sa katunayan aniya, may mga nakalinya na rito at iniimbestigahan. 


Apela na lamang ni Suansing sa NFA, tukuyin ang “sources” ng kurapsyon, at imbestigahan ang mga nangyayari sa ground.


———— MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO ————— This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home