Pinuri ni House Committee on Labor and Employment Chairman at Rizal Representative Fidel Nograles ang gobyerno dahil sa pagsisikap nito na magkaloob ng oportunidad sa trabaho sa mga dating rebelde.
Kasunod ito ng inanunsyo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC na nasa sampung libong dating rebelde ang nakinabang sa TUPAD program ng Department of Labor and Employment.
Ayon kay Nograles, mahalaga ang livelihood programs upang maging produktibo sa komunidad ang mga dating rebelde.
Nabibigyan aniya ng panibagong pag-asa ang mga benepisiyaryo upang makapamuhay nang marangal ang pamilya.
Nanawagan din ang kongresista sa pamahalaan na patuloy na suportahan ang mga dating rebelde hanggang sa makahanap sila ng sustainable na hanapbuhay.
Umaasa naman si Nograles na matutuldukan na ang problema sa insurgency sa bansa.
Hindi umano solusyon ang dahas sa insurgency kundi ang pagtutulungan upang tugunan ang ugat nito sa pamamagitan ng paglikha ng trabaho, pagtutok sa edukasyon, kalusugan at iba pa.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home