Positibo si House Deputy Speaker at Quezon Rep. David Suarez na kikilos din ang Senado para sa panukalang amyendahan ang Rice Tariffication Law o RTL.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Suarez na magandang “development” ang pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na kanyang sesertipikahang “urgent” ang RTL amendments.
Naka-linya aniya ito sa direktiba ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na amyendahan ang RTL para mapababa ang presyo ng bigas para sa mga Pilipino.
Giit ng kongresista, ramdam ng lahat na ang pangunahing hamon na hinaharap ng bansa ay ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin gaya ng bigas, at ang pag-amyenda sa RTL ay isang “sure step” para magkaroon ng mas “competitive prices” para sa mga mamamayan.
Ayon pa kay Suarez, ang sertipikasyon ng Presidente ay dapat na mag-trigger o magsilbing mensahe sa Senado na aksyunan na rin agad ang panukala, lalo’t nakatakdang mag-sine die adjournment ang Kongreso sa May 24.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food ukol sa panukalang amyenda sa RTL, kung saan isa sa mga isinusulong ay maibalik sa National Food Authority o NFA ang mandato na magbenta ng abot-kayang bigas sa publiko.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home