Apela ni Speaker Romualdez sa China: Tigilan pambu-bully sa West Philippine Sea
Muling umapela si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa China na tigilan na agresibong ginagawa ng mga ito sa West Philippine Sea (WPS).
Ginawa ni lider ng Kamara ang apela matapos lumabas ang ulat kaugnay ng ginawang pagsamsam at pagtapon sa dagat ng China’s Coast Guard ng pagkain at iba pang suplay na in-airdrop ng Philippine military para sa mga sundalo na naka-istasyon sa BRP Sierra Madre, ang simbolo ng soberanya ng Pilipinas sa Ayungin Shoal sa WPS.
Inulit din ni Speaker Romualdez ang deklarasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi nito isusuko kahit na isang pulgada ng teritoryo ng Pilipinas.
Sinabi ng lider ng Kamara na hindi gaganda ang relasyon ng Pilipinas at China hanggang nagpapatuloy ang agresibong hakbang ng Beijing sa WPS.
“At sa nangyayari po, we bemoan, at talaga nalulungkot talaga tayo dito sa ginagawa ng ating kapitbahay, mga taga-China, at sana tigilan na nila itong mga aggressive behavior kasi hindi gaganda ang relasyon natin,” sabi nito.
“Sa totoo lang po, hindi dapat itong West Philippine Sea ang magde-define ng ating relasyon between the Philippines and China. Mas marami pang bahagi ng ating relasyon pero habang itong mga aggressive behavior ng China ay isinasagawa ng kanilang mga naval, or Coast Guard, or militia forces, or mga naval assets nila or sea assets, lalong nagiging tense at lumalala ang ating relasyon dito,” ani Speaker Romualdez.
“Pero syempre hindi tayo papayag na ganun-ganun lang ang trato. Kaya we will be very firm and all the respective authorities will be supporting the President’s policy,” dagdag pa nito. (END)
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home