Friday, June 28, 2024

Hajji

Inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na nakaapekto ang naranasang COVID-19 pandemic sa nakalipas na mga taon sa kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Japan.


Sa pakikipagpulong ni Romualdez sa Japan-Philippines Parliamentarians Friendship League, sinabi nitong bumagsak ng labindalawang porsyento ang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa dulot ng pandemya at kasalukuyang regional conditions.


Ibinahagi rin ni Philippine Ambassador to Japan Mylene Garcia-Albano na maging ang exports ng bansa ng saging sa Japan ay bumaba sa nakalipas na mga taon.


Bilang dating kongresista, umaasa si Albano na maipapantay ang antas ng "playing field" sa pagkakaiba ng ipinapataw na taripa sa saging tulad sa Vietnam na zero percent ang tariff rate.


Bagama't kapwa lumagda sa Regional Comprehensive Economic Partnership ang Pilipinas at Japan, sinasabing mas epektibong platform umano ang Japan-Philippines Economic Partnership Agreement o JPEPA para solusyunan ang partikular na trade issue.


Tiniyak naman ni JPPFL Chairman Hiroshi Moriyama na bilang dating agriculture minister ay handa siyang ikonsidera ang panawagan ni Romualdez na i-review ang JPEPA.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO ——- THIS IS TERENCE MORDENO GRANA REPORTING FOR AFP COMMUNITY NEWS, ONE AFP FOR STRONGER PHILIPPINES

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home