Hajji
Nababahala si AGRI Party-list Representative Wilbert Lee sa kakulangan ng reserbang bigas na magagamit sa panahon ng La Nina.
Ayon kay Lee, dapat itaas ng gobyerno ang buffer stock nito sa bigas na tatagal ng hanggang tatlumpung araw tuwing may kalamidad at emergency.
Ang problema, inihayag aniya ng National Food Authority na may rice inventory ang bansa na aabot lamang sa loob ng apat na araw.
Paliwanag nito, ang sapat na imbentaryo ay dapat umabot sa 350,000 metric tons para sa national consumption alinsunod sa Rules and Regulations ng Rice Tariffication Law.
Nasa 3.37 million na 50-kilo bags din aniya ng palay ang nabili ng NFA na katumbas ng 168,262 metric tons.
Bagama't kinikilala ng kongresista ang pagsisikap ng NFA na palakasin ang rice inventory sa pamamagitan ng pagbili ng lokal na palay sa mas mataas na presyo, iginiit nito na panahon na para ma-institutionalize ang mekanismo.
Ang isinusulong na House Bill 9020 o Cheaper Rice Act ay nagbibigay mandato sa gobyerno na magpatupad ng "price subsidy" program para bilhin ang palay mula sa local farmers sa mas mataas na farmgate price upang masiguro ang kita at mahikayat sila na itaas ang produksyon.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home