RPPt Proper decorum hindi Netflix mas dapat pagtuunan ng pansin ni VP Sara— solon
Para kay Camiguin Rep. Jurdin Jesus Romualdo mas dapat na pagtuunan ng pansin ni Vice President Sara Duterte ang proper decorum at tradisyon sa halip na ang panonood ng Netflix ang atupagin at gamitin itong pagbibiro sa isang seryosong bagay.
Ginawa ni Romualdo ang pahayag kasunod ng pahayag ni VP Sara na hindi ito dadalo sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" R. Marcos Jr. sa Hulyo 22 na gaganapin sa Batasan Pambansa Complex, sa Quezon City.
Ayon kay Duterte kanyang itinatalaga ang sarili bilang “designated survivor,” na halaw sa isang Netflix thriller series.
"Vice President Sara Duterte should be more cautious with what she says. After all, she is still a public official, and Netflix is not a good basis for her actions or inactions," sabi ng kongresista.
Sa naturang palabas, namatay ang pinakamatataas na opisyal ng Estados Unidos at ang natira para mamuno ay ang designated survivor.
"Does she have a premonition of the things to come? She should refrain from watching too much Netflix. Her joke could have been better handled given that all high-ranking officials of the land would be there," wika pa ng solon.
"In the decades worth of SONAs that we've had, nobody has ever flaunted being the 'designated survivor' and used it as the excuse to skip the important event. Proper decorum and tradition say that the Vice President should be there in plenary at Batasan to hear the good President's report to the nation," saad pa nito.
"This is among the political instances that take a backseat to transparency and unbridled communication with the public. Vice President Duterte's predecessors did this with no issue while in office. One would think that she would also strive to achieve that standard," dagdag pa ni Romualdo.
Ilalahad ni Pangulong Marcos ang kaniyang SONA sa joint session ng Kongreso. Inaasahan na sasaksihan ito ng mga opisyal ng pamahalaan at mga foreign dignitaries.
Una ng sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na mahalagang tagpo ang SONA para sa pagkakaisa at kolaborasyon ng lahat ng pinuno ng bansa.
Bagay na sasayangin ng bise presidente sa desisyon nito na hindi dumalo. (END)
RPPt Sa ika-4 na araw ng Leyte aid caravan: P14.1M ayuda ipinamahagi sa 3,000 residente
Sa ika-apat na araw ng aid caravan na inilungsad ng tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Leyte, umabot sa P14.1 milyon ang halaga ng benepisyo ng ipinamahagi sa may 3,000 residente sa bayan ng Sta. Fe.
Nasa 1,000 kuwalipikadong benepisyaryo ang nabigyan ng tig-P5,000 cash assistance at P1,000 halaga ng bigas o kabuuang P6 milyon sa ilalim ng Cash and Rice Distribution Program (CARD). Ginanap ito sa Brgy. 96 Calanipawan nitong Biyernes.
Nasa 2,000 residente naman ng Sta. Fee ang nabigyan ng tig-P4,050 para sa kanilang 10 araw na trabaho o kabuuang P8.1 milyon sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).
“Ito po ang pagsasakatuparan ng pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na ilalapit niya ang gobyerno sa ating mga mamamayan,” ani Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, lider ng Kamara de Representantes na mayroong mahigit 3000 kinatawan.
“The House of Representatives remains committed to supporting the continuation of these laudable assistance programs to bring needed relief to our citizens in need according to our President’s vision of a Bagong Pilipinas,” dagdag pa nito.
Si Speaker Romualdez ay kinatawan sa payout ng TUPAD ng kanyang District Chief of Staff na si Atty. Mark Reyes, katuwang sina Sta. Fe Mayor Amparo H. Monteza at DOLE North Leyte Field Office head Engr. Emmanuel Dela Cruz.
“Sa direktiba po ni Speaker Romualdez, patuloy kaming nakikipag-ugnayan sa mga local government units dito sa Leyte at sa iba’t-ibang ahensya ng ating pamahaalaan upang maipaabot sa ating mga kababayan ang mga ayuda upang mapagaan natin ang kanilang mga pasanin,” sabi ng lider ng Kamara.
Si Cyril Manilao, ang District Co-ordinator ng Office of the Speaker, ang nanguna naman sa pamamahagi ng tulong sa ilalim ng CARD katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kinatawan ni Social Welfare Officer II Rammilyn Majarilla.
Nagsimula ang Leyte aid caravan para sa CARD at TUPAD noong Hulyo 9 sa People’s Center sa Tacloban City at sa bayan ng Babatngon. Sninundan ito ng payout ng CARD sa bayan ng Tanauan.
Noong Miyerkoles, namahagi naman ng tulong ang caravan sa Brgy. 94 Tigbao, Tacloban at sa bayan ng Tolosa.
Ang aid caravan sa Leyte ay magpapatuloy araw-araw hanggang sa Hulyo 19. (END)
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home