POGO NA SABIT SA CRIMINAL ACTIVITIES, PINAIIMBESTIGAHAN SA KAMARA
Bilang tugon sa nakababahalang ulat kaugnay ng mga krimen na kinasasangkutan ng mga hindi lehitimong Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), ipinag-utos ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ngayon sa Kamara de Representantes ang pagsasagawa ng malalim na imbesitgasyon.
Ang hakbang na ito, ayon kay Speaker Romualdez ay nagbibigay ng diin sa pagsisikap ng administrasyong Marcos na sugpuin ang mga ilegal na gawain at pagtiyak na naipatutupad ang regulasyon ng pamahalaan.
Nagpahayag ng pagkabahala ang lider ng Kamara sa patuloy na operasyon ng mga ilegal na POGO sa kabila ng mahigpit na regulasyong pinapairal.
Sinabi ni Speaker Romualdez na layunin ng imbestigasyon ng Kamara na suriing mabuti ang iba't ibang kriminal na gawain, kabilang ang money laundering, human trafficking, at iba pang kaugnay na mga paglabag, na di-umano'y kinasasangkutan ng mga illegal operators ng POGO.
Nais ding malaman ng lider ng Kamara kung epektibo pa ba ang umiiral na regulasyon at tukuyin ang mga posibleng mga dahilan kung papaano nalulusutan ng mga iligal na POGO ang batas.
MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO
(“We cannot allow these rogue POGO operators to persist in their illicit actions,” ayon kay Speaker Romualdez.
“It is imperative that we identify and unmask the masterminds and protectors behind these operations so they can be prosecuted to the fullest extent of the law,” dagdag pa ng pinuno ng Kamara.)
“Establishing the identities of those responsible for protecting and facilitating these illegal operations and ensuring they are held accountable is a priority,” ayon pa kay Speaker Romualdez.
“Ensuring the protection of local communities and individuals affected by the illegal activities of rogue POGO operators is crucial,” dagdag pa nito.
Binigyang-diin pa ni Speaker Romualdez na mahalaga ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng Kongreso sa pagpapanatili ng integridad ng legal at regulasyon na ipinapatupad ng bansa.
“This is not just about enforcing the law; it’s about safeguarding our nation's economic stability and protecting our citizens from the harmful effects of criminal enterprises,” sabi pa nito.
Ayon pa sa pinuno ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, ipatatawag sa imbestigasyon ang ang iba't ibang stakeholder, law enforcement agencies, regulatory bodies, at community representatives, upang makakalap ng komprehensibong mga pananaw at rekomendasyon.
Tiniyak din ni Speaker Romualdez sa publiko na ang magiging resulta ng imbestigasyon ay magbabalangkas ng mas mahigpit na mga hakbang at reporma na naglalayong puksain ang operasyon ng ilegal na POGO sa bansa.
“We owe it to our citizens to ensure that the rule of law prevails and that criminal elements exploiting our system are brought to justice,” ayon kay Speaker Romualdez.
“This investigation is a crucial step towards restoring order and reinforcing the public’s trust in our institutions,” dagdag pa ng mambabatas. (END)
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home