Friday, December 09, 2022

PROTEKSYON NG MGA MATATANDA LABAN SA PAG-ABUSO, ISINUSULONG NG BAGITONG MAMBABATAS

Isang bagitong mambabatas ang naghain ng panukala na magbibigay proteksyon sa mga matatanda laban sa pag-abuso.


Inihain ni Rep. Ernesto Dionisio Jr. (1st District, Manila) ang House Bill 109 na magbibigay proteksyon sa mga matatanda na biktima ng mga karahasan, pangalagaan at gabayan ng mga kinakailangang tulong upang matiyak ang kanilang personal na kaligtasan at seguridad. 


“This is also to prevent the recurrence of violent acts committed against them,” aniya. 


Sinabi ni Dionisio na ang kakulangan ng partikular o dedikadong batas upang maiwasan at maproteksyunan ang mga matatanda laban sa pag-abuso. 


“Enshrined in our Constitution is the duty of the State to design programs of social security for its elderly members,” aniya. 


Binanggit ni Dionisio ang isang pag-aaral noong 2004 na isinagawa ni Dr. Edna E.A. Co, isang propesor at dating Dean ng University of the Philippines-National College of Public Administration and Governance (UP-NCPAG), kung saan ay 40 porsyento ng mga sumagot na matatanda ay may personal na karanasan ng karahasan laban sa kanila. 


Ang pag-aaral ay may titulong “The Case of the Philippine Older Persons: Finding a Place in the Human Rights Domain” na nagpapakita na ang pinaka karaniwang umaabuso sa mga matatanda ay ang kanilang mga anak, at iba pang miyembro ng pamilya, na dapat sana ay sila ang nangangalaga sa mga matatanda batay sa kultura ng mga Pilipino. 


Ipinakita rin sa pag-aaral na ang pinaka pangkaraniwang uri ng pag-abuso na naranasan ay abusong pananalita. 


Tinukoy sa panukala na ang mga gawaing karahasan laban sa mga matatanda ay isinailalim sa limang kategorya tulad ng: 1) abusong pisikal; 2) abusong sekswal; 3) abuso sa damdamin o sikolohikal; 4) abusong materyal o pinansyal; at 5) pagpapabaya. 


Isinasaad sa panulaka na papatawan ng parusa ang krimen na karahasan laban sa mga matatanda alinsunod sa mga probisyon ng Revised Penal Code. 


Sa ilalim ng panukalang batas, ang karahasan laban sa mga matatanda ay ituturing na isang pambulikong paglabag. 


Kaya’t ang sinumang mamamayan na may personal na kaalaman na kinasasangkutan ng naturang paglabag ay maaaring maghain ng reklamo laban sa abusado.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home