Thursday, January 12, 2023

KUNG ANG KASELASYON O DELAY SA FLIGHT AY BUNSOD NG FORCE MAJEURE, TANGING REFUND LAMANG ANG MAIPAGAKALOOB SA APEKTADONG PASAHERO

Aminado si Civil Aeronautics Board Executive Dir. Carmelo Arcilla, na tali ang kanilang kamay sa pagbibigay ng compensation o danyos sa mga naapektuhang pasahero ng aberya sa air traffic system. 


Paliwanag nito, salig sa Air Passenger Bikll of Rights, kung ang kanselasyon o delay sa flight ay bunsod ng force majeure, tanging refund lang ang maaaring ibigay sa mga apektadong pasahero.


Kasama na rin aniya dito ang pagbibigay ng pagkain at pagsagot sa hotel accommodation kung kinakailangan.


Bunsod nito hindi aniya nila mapipilit ang mga airline company na bayaran ang mga pasahero.


Para kay Arcilla, mabuti na hintayin muna ang resulta ng imbestigasyon upang malaman naman akung ano ang maaaring pananagutan ng gobyerno sa insidente.


Batay sa kanilang pagtaya nasa higit P100 million ang nawalang kita ng airlines bunsod ngnaturang aberya.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home