Thursday, January 05, 2023

MGA AKSIYON SA ‘GLITCH’ NA NANGYARI SA BPI, TINUTUKAN NI SALCEDA

Tinututukan ni House Committee on Banks and Financial Intermediaries Vice Chair at Albay Representative Joey Salceda ang mga aksyon kaugnay sa 'glitch' na nangyari sa mobile bank accounts sa ilalim ng Bank of the Philippine Islands o BPI.


Giit pa ni Salceda sa BPI na agad ibalik, sakaling meron man na perang nawala sa mga depositors dahil nangyaring double debit transaction incident ang nangyari at hindi sila dapat papirmahin pa ng waivers o quitclaims.


Inatasan din ni Salceda na ilatag ng BPI ang kongkretong hakbang nito para matiyak na hindi na mauulit ang insidente.


Sinesiguro ni Salceda na makapagsasagawa ng imbestigasyon ang Bangko Sentral ng Pilipinas BSP upang mabatid ang dahilan ng insidente at matukoy ang kahinaan sa online system ng BPI at ng ating banking system.


Dahil dito, pinagsusumite ni Salceda ng report ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa Kamara.



wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home