Thursday, January 12, 2023

AYUDA PARA SA MGA BIKTIMA NG MATINDING PAGBAHA SA DAVAO DEL NORTE, PINAGKA-LOOB NG ILANG MGA MAMBABATAS

Namahagi ng ayuda kahapon sina house Speaker Martin Romualdez at Tingog Party-list Representatives Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre sa naging biktima ng matinding pagbaha sa Davao del Norte.


Naglunsad ang tanggapan ng House Speaker ng joint relief operations sa ibat-ibang munisipalidad sa lalawigan at nagbigay ng humigit kumulang P1M cash aid kasama na ang 1,600 food packs na aabot sa halagang P500,000.


Naglalaman ang bawat food packs ng tatlong kilong bigas, tatlong pakete ng instant noodles, tatlong pirasong canned goods, at anim na sachet ng 3-in-1 coffee.


Ilang team din sa Kamara ang nagpaabot ng tulong sa mga apektadong barangay sa Tagum City at sa mga munisipalidad ng New Corella, Asuncion, Kapalong, Carmen, at Braulio Dujali.


Ayon sa tanggapan ni Speaker Romualdez, nagdagdag din ng tatlong libong family food packs ang Dept of Social Welfare and Development o DSWD.


Siniguro naman ng House Leader na agad na magpapaabot ng tulong ang kanyang tanggapan at ang Tingog Partylist sa mga lugar na apektado ng kalamidad.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home