PANAWAGAN KONTRA PAGPUTOK NG BARIL NGAYONG BAGONG TAON, PAIIGTINGIN
Binigyang-diin ni Kabayan Rep. Ron Salo ang pagbabawal laban sa pagpapaputok ng baril bilang pagdiwang o pag-iingay ngayong bagong taon.
Sinabi ni Salo na may 17 na insidenteng ng illegal discharge of firearms at apat na kaso ng tinamaan ng ligaw na bala sa pagdiriwang ng bagong taon noong simula ng 2022.
Aniya, panawagan niya na maging responsable ang mga gun owners dahil ang baril ay dapat ginagamit lamang para sa proteksyon at hindi para gamiting pang-ingay para sa pagsalubong ng bagong taon.
Sana ay paigtingin ng kapulisan ang pagbabantay at pagpapakulong sa mga nagpapaputok ng baril ngayong bagong taon, para sa kapakanan nating lahat.
Ang pagpapaputok ng baril nang walang legal na dahilan ay pinaparusahan sa R.A. 11926 na pumasa nitong July 30, 2022.
Nahaharap sa apat na buwan at isang araw hanggang sa anim na buwan na pagkakakulong ang lumabag sa nasabing batas.
Kapag may tinamaan na tao ay maaari pang tumaas ang parusa at syempre, maari rin matanggal sa trabaho ang opisyal ng gobyerno o miyembro ng kapulisan na nagpapaputok ng baril labag sa batas.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home