21 KOMITE SA KAMARA, WALANG MASYADONG NAPIGANG IMPORMASYON KAY SIBUYAS QUEEN
anne
Wala masyadong napiga ang House Committee on Agriculture sa Onion trader na tinaguriang Sibuyas Queen na si Lea Cruz sa isinagawang executive session ng komite nuong nakaraang pagdinig.
Ayon kay Nueva Ecija Reprsentative Ria Vergara nakakadismaya dahil walang nakuhang impormasyon ang komite lalo na kung sino ang nasa likod sa pagmanipula sa presyo ng sibuyas.
Naniniwala si Vergara na mayruong kartel kaya dapat matukoy kung sino ang nasa likod kay Sibuyas queen na nasangkot na rin sa kontrobersiya sa bawang o garlic.
Tila kasi walang takot na humarap sa house panel ang negosyante.
Sinabi ng mambabatas na kailangan pa nila ng mga dagdag na resource speakers na may alam sa hoarding at price manipulation sa sibuyas.
Hinihintay na rin ng komite ang report ng National Bureau of Investigation hinggil sa nasabing kontrobersiya.
Sumobra kasi ang pagtaas ng presyo ng sibuyas na umabot sa P800 per kilo kaya hindi ito makatarungan.
Inihayag din ng mambabatas na gumugulong na ang imbestigasyon ngayin sa Ombudsman hinggil sa kontrobersiya sa bawang nuon na kinasangkutan ni Lea Cruz at nabatid na ang opisyal na nasa likod niya ay ang dating kalihim ng Department of Agriculture.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home