Monday, February 06, 2023

CALIBRATED IMPORTATION NG SIBUYAS AT BAWANG, IREREKOMENDA NG KAMARA KAY PBBM

Pinakikilos ni House Speaker Martin Romualdez ang House Committee on Agriculture and Food na magsagawa ng imbestigasyon laban sa mga mapagsamantalang traders at hoarders ng sibuyas at bawang.


Iniutos ito ni Romualdez dahil nananatiling mataas ang presyo sa merkado ng naturang agri products sa kabila ng ongoing harvest season at sa pagpasok sa bansa ng imported onions.


Bukod sa imbestigasyon ng komite, sinabi ni Romualdez na dapat may mairekumindang kasuhan dahil malinaw itong economic sabotage.


Ayon kay Romualdez, pinag-aaralan ng Kamara na irekuminda kay Pangulong Bongbong Marcos ang “calibrated importation” ng sibuyas at bawang .


Layunin nito na mapwersa ang mga hoarders na ilabas ang kanilang stocks at makatulong para mag-normalize ang presyo at supply ng sibuyas at bawang sa merkado.


Iginiit ni Romualdez, ang gagawing importasyon ay dapat sapat lang para hindi makaapekto sa ani at kita ng ating mga magsasaka.


Bukod dito, umaapela si Romualdez sa Department of Agriculture at Department of Trade and Industry na magsagawa ng regular monitoring sa merkado ng supply at presyo ng sibuyas, bawang at iba pang basic commodities.




wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home