TRADERS AT HOARDERS NA NASA LIKOD NG ARTIFICIAL SHORTAGE NG SIBUYAS AT BAWANG, SISIYASATIN SA KAMARA
Ipinag-utos na ni House Speaker Martin Romualdez sa House Committee on Agriculture and Food na siyasatin ang ilang mapagsamantalang traders at hoarders na itinuturong nasa likod ng artipisyal na kakapusan ng suplay ng bawang at sibuyas sa mga merkado at dahilan ng pagtaas ng halaga ng mga produktong ito.
Sinabi ni Speaker Romualdez na sakaling mapatunayang nagkasala, agad aniyang irirekomenda ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga abusadong negosyante.
Nauna nang sinabi ng House Speaker na malinaw na isa itong economic sabotage kayat marapat lamang na mayroong managot sa batas.
Sa kasalukuyan, pinag-aaralan na ng House panel ang pagbibigay ng rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para i-calibrate ang onion and garlic importation upang mapwersa ang mga mapagsamantalang indibidwal na ilabas ang kanilang mga nakaimbak na agri products.
Sa ganitong paraan, bababa aniya ang presyo ng mga bilihin at maiibsan ang pasanin ng mga mamimili dahil sa napakamahal na mga bilihin.
Maliban dito, nais din ng Liderato ng Kamara na magkaroon ng daily monitoring ng presyo ng mga bawang at sibuyas sa ibat ibang palengke sa bansa.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home