PAMPUBLIKONG KONSULTASYON SA PAG-AMYENDA NG KONSTITUSYON, ISINAGAWA NG KOMITE NG CONSTITUTIONAL AMENDMENTS SA LUNGSOD NG ILOILO
Nagdaos ngayong Lunes ang Komite ng Constitutional Amendments sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ng pangalawang out-of-town na pampublikong konsultasyon para sa pagrereporma ng Saligang Batas, sa Iloilo Convention Center, Megaworld Complex, Mandurriao, Lungsod ng Iloilo. Malugod na tinanggap ni Iloilo Governor Arthur Defensor, Jr. ang pampublikong konsultasyon sa kanyang lalawigan, at inilarawan ang kahinaan ng pangunahing batas ng bansa na dapat ay naaangkop sa pambansang sitwasyon, at ang mundo bilang “the beauty of the Constitution.” Idinagdag niya na, “the most important part of (changing the Constitution) is the participation, the voice and the power of the people.” Sinabi ni Committee on Constitutional Amendments Senior Vice-Chair at Iloilo Rep. Lorenz Defensor, na siyang nanguna sa pagpupulong, na isinagawa ang konsultasyon sa Iloilo dahil nais ng Komite na makilahok ang Visayas sa demokratikong proseso. Binigyang-diin niya na, “amending the Constitution will not only mean a change in the society but also means a change in the lives of the Filipinos.” Iprinisinta ni SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta ang pangkalahatang paliwanag sa panukala sa pag-amyenda ng Konstitusyon, at sinabing ang konsultasyon ay resulta ng ilang panukalang batas na inihain sa kasalukuyang Kapulungan. Pinangalanan niya si Leyte Rep. Richard Gomez bilang isa sa mga naghain ng panukala sa pag-amyenda sa Konstitusyon, sa pamamagitan ng constitutional convention. Iprinisinta naman ni PBA Party-list Rep. Margarita Ignacia Nograles sa mga dumalo ang mga merito ng pag-amyenda sa mga probisyong pang-ekonomiya ng Konstitusyon. Naniniwala si Clement Camposano, University of the Philippines Visayas Chancellor, isa sa mga inanyayahang tagapagsalita, na ang ilan sa mga bagay na dapat na pagtuunan ng pansin ay kapag tinatalakay ang usapin sa reporma ng Konstitusyon, ay ang hindi pagkakapantay-pantay sa ekonomiya, at ang posibleng gawing pang-rehiyon ang Senado ng Pilipinas. Hindi naman pabor sa panukalang amyenda sa Konstitusyon si International Bar Association Council Member Atty. Neri Colmenares dahil para sa kanya ay hindi naman galing sa Konstitusyon ang problema sa kahirapan, korapsyon, at kakulangan ng kaunlaran. Sa isinagawang open forum, ilang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang nagpahayag ng kani-kanilang pananaw sa mga sumusunod na usapin: 1) kung kinakailangan ba o hindi na amyendahan ang Konstitusyon; 2) Kung oo, ano ang iyong nais na pamamaraan sa pag-amyenda; at 3) ano ang mga partikular na amyenda ang nais mong ipanukala, kung meron? Nagpahayag naman ng suporta si dating kinatawan na ngayon ay Capiz Governor Fredenil Castro, sa pag-amyenda sa Konstitusyon sa pamamagitan ng constitutional convention, na kung saan ay ihahalal ng mga mamamayan ang magiging delegado sa constitutional convention. Nagpahayag rin ng suporta sina Antique Governor Rhodora Cadiao, at Aklan Governor Jose Enrique Miraflores, para sa reporma ng Konstitusyon. Ayon kay Miraflores, pahihintulutan ng mga amyenda ang pakikipagnegosasyon sa mga dayuhang negosyante at mag-alok ng mga insentibo sa buwis, habang si Cadiao naman ay sinabing pakikinabangan ng sambayanang Pilipino ang pagbabago. Naging bahagi ng pag-oorganisa ng konsultasyon sina Deputy Majority Leader Rep. Julienne Baronda, USWAG Ilonggo Party-list Rep. James Uy, Iloilo Reps. Janette Garin, Michael Gorriceta, Ferjenel Biron, at Raul Tupas, kasama si Defensor, sa pag-imbita sa mga dumalo at mga tagapagsalita, sa ngalan ng Komite ng Constitutional Amendments. Ilan pa sa mga dumalo sa pulong ay sina Deputy Majority Leaders Wilter Palma, Ramon Nolasco Jr., Jude Acidre, Jose Teves, Jr. AKO BICOL Party-list Rep. Raul Angelo Bongalon, Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores, at BHW Party-list Rep. Angelica Natasha Co. Aabot sa 700 ang dumalo sa konsultasyon, na kinabibilangan ng mga negosyante at kinatawan mula sa pribadong sektor, ang akademya, mga lokal na pamahalaan, national at regional agencies, mga civil society organizations, at iba pa.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home