eCONGRESS INTEGRATED AT DIGITAL TECHNOLOGY-DRIVEN PROGRAM, MAGKASANIB NA INILUNSAD NG KAARA AT SENADO
Magkasanib na inilunsad ng mga pinuno mula sa Kamara de Representantes at Senado kahapon (ngayong Huwebes) ang programang eCongress na naglalayong ibigay sa publiko ang isang online platform kung saan ay madaling maakses ang mga impormasyon sa mga gawain, talaan, at mga nagagawa ng dalawang kapulungan, kabilang na ang pagsusulong ng pakikilahok ng sambayanan sa pagbalangkas ng mga polisiya.
Binasa ni Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo, ang nakahandang talumpati ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na nagbibigay-diin sa pangangailangan ng dalawang kapulungan ng Kongreso upang maisagawa, magkaroon ng constant collaboration, coordination, at sharing ng mga impormasyon sa isang people centered legislative governance.
(At iginiit din niya ang pangangailangan ng mga may kaugnayan, tumutugon, at napapanahong lehislasyon, hindi lamang para suportahan ang mga hangarin ng pamahalaan, kungdi upang iangat ang kalidad ng paglilingkod-bayan upang malagpasan ang mga hamon at pagsubok na idinulot ng pandemyang COVID 19. )
Hinimok naman ni Senate President Zubiri ang kanyang mga kapwa mambabatas sa Kamara at Senado na samantalahin ang teknolohiyang digital, upang mas maging madali at episyente ang proseso ng lehislasyon sa kanyang talumpati.
(Na ang ibig sabihin ay, “holding virtual hearings, authorizing the use of e-signatures for bills and committee reports, and beefing up our efforts to reflect the movement of our legislative documents to our website in real time.”)
Ang pinakatampok sa paglulunsad na programa ay ang seremonyal na paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) ng Programa ng dalawang kapulungan.
Sina House Secretary-General Reginald Velasco and Senate Secretary Renato Bantug Jr. ang lumagda sa ngalan ng dalawang kapulungan.
Isinasaad sa MOA na magkasanib na itatatag ng Kapulungan at Senado ang eCongress bilang isang programang kolaborasyon.
Ayon sa MOA, ang dalawang kapulungan ay parehong nangangailangan na ipagpatuloy ang pinaunlad, pinalakas, sinimplehang mga komunikasyon sa pagitan ng dalawang kapulungan, upang magkasanib nilang maisakatuparan ng mas episyente at mas epektibo ang pangunahing tungkulin ng Kongreso para sa representasyon, lehislasyon at pangangasiwa.
Sa ilalim ng MOA, magiging tungkulin ng Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado ang: 1) digitalisasyon ng proseso sa lehislasyon, proseso sa suportang lehislasyon, suportang serbisyo sa lehislasyon, kabilang na ang digitisasyon ng mga talaan ng lehislatura; 2) pagkakaroon ng elektronikong akses at pamamahgi ng mga impormasyon sa pamamagitan ng website, web-based access sa serbisyo, at elektronikong komunikasyon; 3) pagpapaunlad ng imprastrakturang digital; at 4) pagpapaunlad at pagpapatuloy ng pagsasaayos ng mga digital na kakayahan ng mga mambabatas, legislative staff, at mga nagsusulong.
Ang pagpopondo para sa pagpapaunlad, paggamit at pagmamantine ng eCongress ay pantay na magkatuwang na sasagutin ng Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado.
Magpapalabas sila ng paunang pondo, at mga susunod pang pondo para sa patuloy na pagmamantine ng programa ng dalawang kapulungan ng Kongreso, ayon pa sa MOA.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home