Monday, February 27, 2023

PNP AT DILG, IPATATAWAG NG KAMARA PARA MALAMAN ANG DAHILAN SA SERYE NG HIGH-PROFILE NA MGA KRIMEN SA BANSA

Isa

Nais malaman ng liderato ng Kamara mula mismo sa Philippine National Police o PNP at Department of the Interior and Local Government o DILG ang mga ginagawang hakbang laban sa serye ng “high-profile” na mga krimen at katulad sa ating bansa.


Sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na nakakabahala na dahil halos bawat linggo ay mayroong malaking balita tungkol sa mga napapatay sa kalye.


At batay sa mga nangyari, mukhang politika ang motibo ng mga ambush o pananambang dahil ilan sa mga biktima ay mga politiko.


Dahil dito, sinabi ni Romualdez na inimbitahan ng Kamara ang mga opisyal ng PNP at DILG sa Batasan Pambansa ngayon araw, upang mapag-usapan ang sitwasyon.


Personal ding tatanungin ang PNP at DILG kung nasaan ang problema kaya nangyayari ang mga krimen. Sa “intelligence” ba o iba pa, at papaano makakatulong ang Kongreso para sa paglutas ng mga krimen.


Kamakailan, sugatan ang isang alkalde ng Maguindanao makaraang pagbabarilin ang kanyang sasakyan sa Pasay City.


Maliban dito, nauna nang inambush at napatay ang vice mayor ng Aparri, Cagayan.


At nitong Pebrero rin, tinambangan ang grupo ni Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong sa Maguindanao. Nakaligtas ang gobernador, habang 4 sa kanyang police escorts ang nasawi.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home