Wednesday, March 01, 2023

ONE STRIKE POLICY AT PAG-BLACKLIST SA MGA FRATERNITY NA NAMATAYAN DAHIL SA HAZING

Nararapat lamang na magkaroon ng one strike policy at pagba-blacklist laban sa mga fraternity, sororities, gangs at mga katulad na namatayan ng mga na-recruit dahil sa hazing.


Ito ang mungkahi ni Bagong Henerasyon partylist Rep Bernadette Herrera kasunod ng sinapit ng estudyante ng Adamson University na si John Matthew Salilig na pinatay at pinaniniwalaang biktima ng hazing.


Nanawagan ang solon sa Department of the Interior and Local Government o DILG, Commission on Higher Education o CHED, sa Department of Education o Deped na pairalan ang zero tolerance sa lahat ng uri ng hazing.


Ito ay sa pamamagitan ng one strike policy kung saan ang mga frat at kaparehong grupo ay iba-blacklist at idedeklarang persona-non-grata kung mapapatunayang nagsasagawa, nagpa-pahintulot, pumuprotekta o tumutulong sa pangangasiwa ng hazing, at ikinamatay ng biktima.





Idinagdag pa ng kongresista na tulungan ng DILG ang local government units o LGUs para epektibong maipatupad ang Anti-Hazing Law, at i-rehistro ang lahat ng grupo at miyembro upang madaling mabantayan at maaresto kapag may paglabag.


Ayon kay Herrera, ang Anti-Hazing Law ay may sapat namang probisyon, hakbang at “safeguards” at ang kailangan lamang ay mahigpit na pairalin.


Batay sa obserbasyon, ang fraternities ay mas aktibo na umano sa labas ng campuses matapos na maging epektibo ang Anti-Hazing Law.


Sa huli, ang hazing ay dapat aniyang itrato bilang “krimen” at usapin ng “peace and order” upang mabilis na makaka-aksyon ang mga LGU.


Isa


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home