EKSTENSIYON SA ISYU NG PUV PHASE-OUT, HINDI SOLUSYON SA PROBLEMA KUNDI SAPAT NA SUPORTA SA TRANSPORTS GROUPS, DRIVERS AT OPERATORS
Naniniwala si House Ways and Means Chair at Albay Rep. Joey Salceda na hindi solusyon ang extension sa isyu ng PUV phase-out kundi ang sapat na suporta na ibibigay ng gobyerno sa mga transport groups at mga drivers at operators.
Iminungkahi rin ni Salceda na dapat ikunsidera din ng gobyerno ang isang “trade-in” scheme.
Sa nasabing scheme bibilhin na lamang ng gobyerno ang mga lumang jeepney sa halagang P100,000 hanggang 150,000 kada unit, na walang ibang kundisyon.
Tinukoy ni Salceda ang Car Allowance Rebate System (CARS), na colloquially kilala bilang "cash for clunkers." Ito ay bahagi ng global financial crisis recovery program ng Amerika.
Nais ni Salceda na gawin itong modelo, kung saan binabayaran para i-retire ang lumang jeep, imbes na talagang bumili ng bagong sasakyan o jeep.
Dagdag pa ni Salceda nakakatulong ito sa mga operators na makaalis sa lumang sistema nang walang pasanin sa mga bagong pautang.
Sinabi ni Salceda na ipapakita niya ang panukala sa oras na magsagawa ng mga pagdinig ang House Committee on Transportation batay sa kanyang naunang resolusyon para suriin ang socioeconomic impacts ng PUV modernization program.
Anne
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home