PAGPAPALAKAS NG EDUCATION CAMPAIGN HINGGIL SA ANTI-HAZING LAW, ITINUTULAK SA KAMARA
Palalakasin ang information dissemination at education campign tungkol sa Republic Act 11053 o mas kilala bilang Anti-Hazing Act sa pamamagitan ng inihaing panukala sa Kamara ng isang mambabatas.
Sa ilalim ng House Bill 7434 o Tulong at Gabay para sa mga Pilipino Kontra Hazing Educational Campaign ni TGP PL Rep. Jose Bong Teves Jr na kanyang inihain kasunod ng sinapit ng Adamson University student John Matthew Salilig na namatay dahil sa fraternity hazing.
Sinabi ni Teves na sa kabila ng umiiral na Anti-Hazing Law ay may mga kaso pa rin ng hazing, at isa sa mga maaaring rason ay ang kakulangan ng kaalaman o impormasyon hinggil dito at ang bigat ng mga parusa.
Ayon sa kanya, kapag naging ganap na batas ang panukala, bibigyang-mandato ang Department of Education o Deped at ang Commission on Higher Education o CHED na pangunahan sa paglalabas at pagpapalaganap ng mga tamang impormasyon ukol sa mga nilalaman ng Anti-Hazing Law; at magdaos ng mga dayalogo sa mga lider at miyembro ng school-based organizations, fraternities, sororities at iba pang asosasyon sa pagsisimula ng kada school year.
Maliban dito, itutulak ng Deped at CHED ang mga alternatibong paraan para sa “membership/admission” sa mga nabanggit na grupo, gaya ng pagdaraos ng “tree planting” o pagtatanim ng puno, community at school development services at iba pang aktibidad.
Nakasaad din sa House Bill na ang Anti-Hazing Law ay pinasasama sa “curriculum” upang maging mas “fully informed” ang mga estudyante sa mga ipinagbabawal, negatibaong epekto at parusa kapag nasangkot sa hazing.
Samantala, ang Department of the Interior and Local Governent o DILG naman, katuwang ang Philippine National Police o PNP at mga barangay ay magkakaroon din ng papel sa pagpapakalat ng mga impormasyon hinggil sa Anti-Hazing Law; at magsasagawa ng mga seminar at orientation sa mga komunidad kaugnay sa posibleng “ban” ng hazing.
Isa
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home