Friday, April 14, 2023

baka puede pa - grace

Nangako si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na lalo pang magsisipag ang mga miyembro ng Kamara para maisakatuparan ang 8-point socioeconomic agenda ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr na mag-aangat sa buhay ng taumbayan.


pahayag ito ni Romualdez makaraang makakuha ng mataas na satisfaction rating ang kamara sa huling survey ng Social Weather Stations.


bunsod nito ay mapagkumbabang ikinalugod ni Romualdez ang tiwala at kumpyansa ng mamayang Pilipino sa House of Representatives.


ayon kay Romualdez, ang resulta ng survey ay patunay ng sipag at dedikasyon ng mga miyembro ng Kamara sa paglilingkod sa mamamayang Pilipino sa harap ng matitinding hamon na hatid ng kasalukuyang panahon.


kaugnay nito ay pinasalamatan at ipinagmalaki ni Romualdez ang mga miyembro ng Kamara na patuloy na nagsusulong ng mga panukalang batas na para sa kapakanan ng mamamayan.

######wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home