Wednesday, April 05, 2023

PAG-IINGAT LABAN SA MATINDING INIT NG PANAHON, IBINABALA NG ISANG SOLON SA KAMARA

Nagbabala si Anakalusugan Partylist Rep Ray Reyes sa mga mamayan sa maaring epekto sa kalusugan ng nararanasang init ng panahon sa bansa.


Dahil dito, hinimok ni Rep Reyes ang publiko na maging maingat at laging magdala ng tubig at pananggalang laban sa matinding init ng sikat ng araw kasabay ng pagdiriwang ng Semana Santa.


Pahayag ng solon, pwede kasi itong magdulot ng cramps, exhaustion, o ang mas matindi, mauwi sa heatstroke na maaring magresulta sa pagkasawi.


Kaya naman hinimok nito ang lahat na isaalang alang ang kalusugan at kaligtasan habang inoobserba ang semana santa. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home