Friday, April 14, 2023

PASYA NI PBBM NA IPAGPALIBAN ANG PAGTAAS NG PASAHE SA LRT 1 & 2, IKINATUTUWA NG ISANG SOLON SA KAMARA

Ikinatuwa at pinuri ni Agri Party-list Rep Wilbert Lee / ang pasya ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr na / ipagpaliban ang pagtaas ng pasahe sa Light Rail Transit / o LRT 1 & 2 / hanggang wala pang masusing pag-aaral / sa magiging epekto nito.


Sinabi ni Lee na / malaking ginhawa ang hakbang ng Pangulo / para sa ating mga estudyante at manggagawa / na bumubuo sa karamihan / ng mga sumasakay sa LRT at MRT. 


Ayon sa kanya / sila ang magiging pinaka-apektado / kapag nagtaas ng pamasahe/ lalo at / nakabalik na tayo sa face-to-face na klase / at trabaho.


Pinasalamatan din ni Lee / si Transportation Secretary Jaime Bautista / sa  pagiging senstibo sa kapakanan / ng ordinaryong mamamayan.


Ipinaalala ni Lee / na ang pagpapatupad ng fare hike / ay dagdag pasanin sa publiko / lalo at umiiral pa rin ang inflation / o mataas na presyo ng bilihin at serbisyo.


Kaya naman / panawagan ni Lee sa kinauukulan / na patuloy na maghanap ng paraan / upang maibsan ang mabigat nang pasan /  ng ating mga kababayan.


####### grace wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home