Friday, April 14, 2023

PAGPAPATUPAD NG NATIONAL ACADEMY OF SPORTS SYSTEM, SINIYASAT NG KOMITE

Tinalakay ngayong Martes ng Komite ng Basic Education and Culture sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Pasig City Rep. Roman Romulo, ang pagpapatupad ng Republic Act (RA) 11470, o mas kilala bilang “The National Academy of Sports (NAS) System,” upang tiyakin na mayroong isang handa na programa sa kolehiyo para sa mga mag-aaral ng K-12 sa sports track o sa anumang palakasan sa high school. 


Hinimok ni Chairman Romulo ang NAS System na kumpletuhin ang kurikula nito para makumbinsi ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na magagamit ang nasabing kurikula sa sports track at “maging mass-based pa tayo sa training natin of student-athletes. Sayang lang yung K-12 sports track which hardly has any students enrolling.” 


Iniulat ni NAS System Executive Director Prof. Josephine Joy Reyes ang aktuwal na pondo na natanggap ng NAS System, kumpara sa hinihiling nilang badyet at sa pagsusulong na nagawa sa pagpapatupad ng RA 11470, at tiniyak niya kay Romulo na matatapos ng NAS System ang junior high curriculum ngayong taon at ang senior curriculum sa susunod na taon. 


Sa kasalukuyan, ang NAS System ay nakakumpleto lamang ng curriculum para sa Grades 7 hanggang 8. Ipinahayag din niya na 117 na mag-aaral mula sa buong bansa ang nag-enroll para sa school year 2022-2023 sa mga programa ng NAS System sa aquatics, athletics, badminton, gymnastics, judo, table tennis, taekwondo, at weightlifting. 


Tinanong ni Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo ang tungkol sa pagbubukod ng mga sports tulad ng basketball, volleyball, at lawn tennis sa listahan ng mga sports na inaalok ng NAS System, “Hindi ba dapat comparative advantage tinitignan din natin?” 


Ipinaliwanag ni Director Reyes na ang NAS System ay magdaragdag ng higit pang mga programa sa palakasan; gayunpaman, ang pagpili ng mga programang pang-sports na iaalok ay batay sa kung saan “we are good at and where we are excelling.” 


Ipinaliwanag din niya sa Komite ang NAS System strategic roadmap 2021-2030, at ang NAS curriculum framework, at nagbigay ng update sa paggawa ng mga implementing rules and regulations (IRRs) ng Republic Act (RA) 11470, o ang NAS Act. Nagbigay din ng maikling presentasyon si Sarangani Rep. Steve Solon sa pamamagitan ni Sports Director Alma Corazon Gabuat hinggil sa Sarangani National Sports Academy (SANSA) at Sarangani Sports Training Center (SSTC). wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home