FLEXIBLE WORK TIME PARA SA MGA EMLEYADANG BUNTIS AT KAPAPANGANAK PA LAMANG, ITINULAK SA KAMARA
Iminungkahi ni North Cotabato Rep. Ma. Alana Samantha Taliño-Santos na payagan ang mga buntis at mga kapapanganak pa lamang na empleyado para sa “flexible work arrangements.”
Sa HB08471 o Pregnant Women’s Welfare Act, sinabi ni Taliño-Santos na ang pagbubuntis ay isang maselang sitwasyon para sa mga kababaihan.
Sinabi niya na ang mga kababaihan ay importanteng parte ng “labor force” kaya mahalaga na masuportahan sila, lalo na sa panahon ng kanilang pagbubuntis at post-natal, at magkaroon sila ng pagkakataon na ma-balanse ang responsibilidad bilang empleyado at ang “demands” ng pamilya.
Bukod dito, sinabi ni Santos na batay sa mga pag-aaral, ang “accommodation” para sa mga buntis ay mayroong positibong epekto sa kabuuang “work productivity” nila, mababawasan ang pag-absent, at mapagbubuti ang “employee satisfaction and retention.”
Kapag naging ganap na batas, ang mga nagdadalang-tao at mga bagong nanay ay bibigyan ng opsyong “work from home” o pahintulutan na mai-adjust ang oras ng “time-in at time-out schedules.”
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home