MAG-ASAWANG ROMUALDEZ, MULING NANGALAP NG AYUDA NA NAGKAKAHALAGA NG P11M PARA SA MGA BIKTIMA NG BAHA SA BUKIDNON
Muling tumugon sina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog Party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez sa panawagan ng kapwa mambabatas na labis na nangangailangan, si Rep. Jonathan Keith Flores, kung saan ang kanyang lalawigan ng Bukidnon ay sinalanta ng mga pagbaha kamakailan.
Ito ay alinsunod sa layunin ng administrasyong Marcos na magbahagi ng mas maayos na social services sa buong kapuluan, ani Speaker Romualdez.
Nangalap ang mga Romualdezes at si Tingog Rep. Jude Acidre ng assistance package na kinabibilangan ng P500,000 halaga ng pinansyal na tulong; P500,000 na relief goods, at P10-milyong halaga ng pinansyal na ayuda mula sa programa ng Department of Social Welfare and Development's (DSWD), ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ni Sec. Rex Gatchalian.
"We are united with the province of Bukidnon during this time of need. With the steady resolve of Congressman Jonathan and Congresswoman Yedda, we hope that the flood victims would be able to get back on their feet sooner than later," ayon kay Speaker Romualdez ngayong Huwebes.
Ang P500,000 cash assistance at P500,000 na nakalaan para sa pagbili ng ng mga relief goods ay iniabot sa tanggapan ni Flores ngayong umaga. Ang salapi ay nanggaling sa personal relief funds ng Speaker.
Ang mga relief goods ay nauna nang binili. Kinakatawan ni Flores ikalawang distrito ng Bukidnon.
Ayon sa huling bilang, may 6,810 pamilya ang labis na naapektuhan ng pagbaha noong ika-21 ng Hunyo.
Ang mga apektado ay 482 pamilya sa Highway Cabangahan; 941 sa Aglayan; 265 sa San Jose; 401 sa Bangcud; 636 sa Sinanglanan; 462 sa Violeta; 537 sa Sto. NiƱo; 1,386 sa Managok; 821 sa Simaya; at 879 sa San Martin.
Sa P10-milyon ayuda mula sa AICS na ipinasilidad ng mag-asawang Romualdez sa pakikipag-ugnayan sa DSWD, ipapamahagi ito sa susunod na linggo, ayon sa Tanggapan ni Speaker.
Ang ayudang AICS ay tinatayang lubos na makakatulong sa mga mamamayan na makumpuni o muling maitayo ang kanilang mga bahay na nawasak sa panahon ng kalamidad.
Nauna nang namahagi sina Speaker Romualdez, Reps. Romualdez, chairperson of the House Committee on Accounts, at Acidre ng kaparehong assistance package sa unang tatlong congressional district sa Albay, na nanganib sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon.
Nakinabang sa ayuda ang libo-libong indibiduwal na napilitang sumilong sa mga evacuation center, sa pangamba ng pagputok ng bulkang Mayon.
Samantala, sinabi ni Flores na gagamitin niya ang P500,000 pinansyal na tulong para maitayo ang community pantry para sa mga biktima ng pagbaha.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home