P10M AYUDA SA MGA KABATAAN NG TACLOBAN, IPINAMAHAGI NI SPEAKER AT NG TINGOG PARTYLIST
Sa pakikipagpartner sa administrasyong Marcos, ay namahagi sina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre ng halagang P10-milyon, bilang ayuda sa mga kabataang benepisaryo ng Lungsod ng Tacloban.
Ang pamamahagi ng P5,000 pinansyal na tulong sa bawat benepisaryo ay isinagawa kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Lungsod ng Tacloban noong Biyernes.
Nagpahayag ng pag-asa ang Tanggapan ng Speaker at Tingog Party-list na ang pinansyal na ayuda ay makakatulong sa mga mag-aaral sa pagbubukas ng klase ngayong taon.
Sinabi ni Rep. Yedda Romualdez, Chairperson of the House Committee on Accounts, na ipagpapatuloy ng Tingog ang direktang paghahatid, o hindi direkta, sa pamamagitan ng mga ahensya ng pamahalaan, tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), at mga serbisyo sa mga mamamayan ng Silangang Visayas at mga Leyteños at Samareños sa iba pang bahagi ng kapuluan.
“That is our commitment and we will remain true to it,” aniya.
Ang ayuda ay nagmula sa Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ng DSWD, sa ilalim ng pamumuno ni Sec. Rex Gatchalian.
Sinabi ni Rep. Yedda Romualdez na ang mga benepisaryo ay maaaring gamitin ang pinansyal na tulong para sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
Idinagdag ng babaeng pinuno ng Kapulungan na bialng isang magulang, ay ipina-prayoridad niya ang edukasyon ng kanyang mga anak.
Bilang isang lingkod-bayan, ay may kapareho siyang paggalang sa kahalagahan ng edukasyon.
Sinabi ni Speaker Romualdez na sinisimbolo ng ayuda ang paninindigan ng pambansang pamahalaan na tulungan ang mga sektor na lubos na nangangailangan, upang mapaginhawa ang kanilang buhay.
“I hope the amount would help the beneficiaries in starting some livelihood activities for them and their families, or for their or their children’s education,” ani Speaker Romualdez.
Para kay Rep. Acidre, sinabi niya na, "serving the people of Eastern Visayas and Leyteños and Samareños in general has been the principal focus of Tingog Party-list."
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home