PAKIKIISA NG KAMARA SA MGA NAISIN NI PBBM SA MARITIME INDUSTRY, IPINANAWAGAWAN NI SPEAKER ROMUALDEZ
Nanawagan ang Liderato ng Kamara sa mga mambabatas na patuloy na magkaisa upang maisulong ang pagnanais ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., na mapaunlad ang maritime industry at masiguro ang kapakanan ng mga Filipino seafarers.
Ginawa ni House Speaker Martin Romualdez ang pahayag sa ginanap na International Transport Workers’ Federation o ITF Seafarers’ Expo sa Pasay City.
Ayon sa Speaker, labis ang kanyang pasasalamat sa walang kapaguran at di matatawarang serbisyo ng mga seafarers na nagsisilbing buhay ng maritime industry at may malaking ambag sa ekonomiya ng bansa.
Isa ani Romualdez sa mga patunay ng mariing pagsuporta ng Mababang Kapulungan sa kanilang sektor ang ipinasang Magna Carta of Seafarers o House Bill (HB) No.7325, na kabilang sa 33 out of 42 priority legislation ni PBBM.
Inaprubahan aniya ng Kamara ang panukala bago ang adjournment ng First Regular Session ng 19th Congress, at naghihintay na lamng ng aksyon mula sa senado.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home