Friday, June 30, 2023

NAGKAPIT BISIG SINA SPEAKER ROMUALDEZ, TINGOG PARTYLIST AT DSWD PARA MAMAHAGI NG TULONG SA MGA MAG-AARAL NG TOLOSA


Nagkapit bisig sina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Tingog Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre sa Department of Social Welfare and Development, upang ipamahagi ang P5000 na educational assistance ngayong Huwebes, sa 900 na kwalipikadong mag-aaral sa Tolosa, Leyte.


Sa kanyang maikling mensahe sa mga mag-aaral ng Tolosa, binanggit ni Speaker Romualdez na ang AICS ay isa sa mga social programs ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na suportado ng Unang Ginang Louise Araneta, na nagpapakita ng pagmamalasakit ng administrasyong Marcos para tulungan ang mga labis na nangangailangan.


“Mahal na mahal nila ang buong Pilipinas at ang mga kabataang Pilipino,” ani Romualdez.


Pinangunahan ni Speaker Romualdez ang pamamahagi ng pinansyal na tulong sa mga mag-aaral sa Tolosa Civic Center, at sinamahan sila nina Tolosa Mayor Erwin Ocaña, Vice Mayor Menardo Mate at DSWD na kinakatawan ni Raquel Bateo. Kasama ring sumaksi sa pamamahagi ng ayuda ang ilang lokal na opisyal ng Tolosa. 


Matatandaang tumanggap ang may 2,000 benepisaryong mag-aaral sa Lungsod ng Tacloban ng P5000 pinansyal na tulong sa pamamagitan ng programang AICS. Ang pagpapalabas ng P10-milyon na pinansyal na ayuda ay ipinasilidad nina Speaker Romualdez, at Tingog Reps. Romualdez at Acidre.


Nangako si Rep. Yedda Romualdez, Chairperson of the House Committee on Accounts, na ipagpapatuloy ng Tingog ang direktang pamamahagi, o hindi direkta sa pamamagitan ng mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang mga serbisyo para sa mga mamamayan ng Silangang Visayas at Leyteños at Samareños sa iba pang bahagi ng kapuluan.


Bilang pinuno ng Kapulungan ng mga Kinatawan, binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang kanyang paninindigan na tulungan ang administrasyong Marcos na maihatid ang serbisyo para maiangat ang kabuhayan ng sambayanang Pilipino, lalo na sa proseso ng badyet.


“Ang budget ay lahat ng nakolekta at naipon natin na buwis sa buong bansa at yan po ay dini-distribute natin sa taong bayan,” paliwanag niya. 


Kanyang sinabi na ang bawat congressional district sa bansa, o ang party-list groups ay may kanya-kanyang kinatawan upang matiyak ang pantay na alokasyon ng mga resources ng pamahalaan, tulad ng mga programnang ayuda, essential services, o mga proyektong pang-imprastraktura. 


“Yan po ang trabaho namin bilang congressman at ako, bilang Speaker, namumuno diyan (sa Kongreso) Wala kaming ginagawa araw-araw kundi isipin ang para sa kabuhayan ninyo, ang kabutihan ninyo, o ang kalusugan ng aming mga constituents, tulad ninyo dito sa Tolosa,” ani Romualdez.


Samantala, sinabi rin ni Speaker Romualdez na mas marami pang mga planong pangkaunlaran sa Silangang Visayas at kalapit na lugar ang nakalatag, habang nagpahayag siya ng tiwala na susuportahan ni Pangulong Marcos ang mga pagsisikap na ito. 


“Si President Ferdinand R. Marcos, Jr., yung ‘R’ ibig sabihin ay Romualdez. So hindi yan Ilocano lang. Fifty percent Ilocano, fifty percent Waray—taga rito sa Tolosa,” punto niya. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home