Saturday, June 10, 2023

Findings ng Napolcom hinggil sa PNP Metrics, Suportado ng House  Committee on Dangerous Drugs...


Buo ang suporta at mariing sinasang ayunan ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman at Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers ang inilabas na report o findings ni NAPOLCOM Vice-Chairman Atty. Alberto Bernardo, na may seryosong depekto ang system of promotion ng PNP at ang pagbibigay ng performance rating sa mga anti-drug police operatives.


Ayon kay Barbers, nakatuon lamang kasi ito sa mga pag-aresto at pagsamsam ng mga ebidensya, na humahantong sa mga peke at gawa-gawang accomplishments.


Pahayag ng mambabatas, ito ang rason kung bakit maraming inosente ang nakukulong na pawang biktima ng isinampang pekeng kaso.


Lumalabas aniya sa nadiskubreng mga fake accompishments, na napo-promote at tumataas pa ang ranggo ng mga pulis, na syang dahilan kung bakit nabibigyan sila ng kapangyarihan para kontrolin at impluwensyahan ang organisasyon.


Dahil sa ganitong kalakaran, kaya may ilan ani Barbers na matataas na opisyal ng Pambansang Pulisya ang nagiging sangkot  malaking sindikato ng iligal na droga sa bansa.


Bunsod nito, iginiit ni Barbers na suportado nya ang posisyon ng Napolcom at makakaasa ang ahensya na patuloy na makikipagtulungan sa kanila ang House ommittee on dangerous drugs na kanyang pinamumunuan.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home